ako si paulo vitales abalos..gaano kasarap ang bawal!? simple lang ang sagot diyan... alam mo kung ano? sa totoo lang hindi ko din alam eh... bakit mo ba tinatanong... ha!! masiyadong kang nakikialam ah.. sapakin kita eh, walang pakialamanan.. boxing na lang tayo.. - Q("Q)

laong laing

laong laing
THE BEST WAY TO INDULGE YOURSELF IS TO EAT KANTON

Thursday, August 23, 2007

BISITAHIN NIYO!!!

http://wakashikbois.blogspot.com/


ITO YUNG ISA KO PANG BLOG!!
BASAHIN NIYO, SABI NUNG IBA MAGANDA DAW..


P.S. basahin niyo mula chapter 1!!; pasensiya na hanggang chapter 4 pa lang ..

Wednesday, August 22, 2007

confession # 2

haayyy...



(buntong hininga..)



grabehh...



ewan ko ba, ang daming umiikot sa utak ko sa mga oras na ito. alam mo, sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. ang dami kong gustong matupad pero alam ko imposible yun. kaya nababanggit ko na lang sa sarili ko na sana magkatotoo nga yung mga hinihiling ko.



sadya talagang madami tayong "sana" sa buhay natin. ewan ko ba pero ganun talaga eh.. sabi ng iba, wala daw talagang kakuntentuhan ang mga tao, madami talaga gusto ang mga tao.



ang dami kong "sana" na alam ko imposibleng magkatotoo.



tulad ng:



sana mayaman na lang ako, para lahat napapasaya ko, kaso ika nga ng iba you cannot please everyone

sana matalino na lang ako, para matataas ang mga nakukuha kong marka sa skwela

sana naging magaling na lang ako magsalita ng ingles

sana maging succesful akong engineer

sana humaba pa buhay ng mga magulang ko

sana kami na talaga

sana..

sana..

sana..





ang dami anu?

nakakalungkot lang talaga isipin na karamihan sa mga "sana" ay hindi na natutupad.

pero isang sana lang ang alam kong matutupad, iyon ay ang makatapos ng pag-aaral.



para sa hunny ko,

pasensiya na kung nagiging tahimik ako lately, kasi feeling ko ang sama-sama ko na talaga. lagi na lang kita inaasar at lagi ka din napipikon sa akin. at kadalasan yung pangaasar ko sa iyo ang nagiging dahilan ng ating pagkakatampuhan. pasensiya ka na talaga.. ganito lang talaga ako. feeling ko tuloy hindi mo ako deserve, na mas may karapat dapat pa sa iyo kesa sa akin. kasi ang bait bait mo tapos ako patuloy pa rin sa pang aasar sa iyo. sorry ha.. lam mo, natutuwa ako kapag tumatawa ka kapag kausap mo yung ibang tao. kaso nalulungkot din ako. kasi hindi ako yung nagpapangiti sa iyo e, sila napapasaya kanila samantalang ako ito inaasar ka, salubong na kilay lagi at pagaalala ang binibigay sa iyo. pasensiya na. basta ito tatandaan mo mahal na mahal kita..

confession # 1

hello po!!
kamusta ka?
ok ka lang ba?
may i-share ako sa iyo..
alam mo, ngayon ko lang napagtanto masiyado na pala akong trying hard sa pagsasalita ng ingles,alam ko namang wala din naman ako mapapala kung mag papraktis akong magsalita ng ingles wala pa rin pagbabago, mali-mali pa rin. kahit anung gawin kong pag pupursige sa pagpapraktis ng pagsasalita ng ingles eh talagang hindi talaga ako matuto-tuto. palibhasa tanga at bobo ako sa ganitong bagay, pati na rin sa pagsusulat, wala din ako katalent-talent. siguro ng magpasabog ang Diyos ng talento hindi ako nakasalo ng talento sa pagsusulat gayun na rin sa pagsasalita ng ingles. buti na lang at nabiyayaan akong gumuhit, pero anung mapapala ko sa pagguhit? wala naman... samantala sa pagsasalita at pagsusulat ng ingles madami kang mapapala, isa na diyan kapag nagrereport ka, kapag nakikipagusap ka, kapag nagrerecite ka, at iba pa na ginagamitan ng ingles. mahirap talaga ang ganito yung mukha kang inutil, pero alam ko naman na pinoy ako at dapat wikang Filipino ang ginagamit ko. kaso nasa panahon tayo na kailangan magingcompetetive ka para umasenso ka sa buhay mo. at ang pagsasalita ng ingles ang isa sa rekado para umasenso ka. kung tatanungin mo ako kung bakit ba ganito na lang ang paghahangad ko na matuto ng wikang ingles, eh marami akong dahilan. isa na diyan sa pagkuha ng trabaho. kailangan magaling ka sa ingles para kahit sino makakausap mo, kailangan kasi ng communication skills para may edge ka sa iba kapag nagaaply sa trabaho, at ingles ang pinakaimportante sa bagay na yan; isa pa, kapag may mga kasama ako na naguusap ng ingles, nakakapangliit kasi minsan hindi ko na alam yung mga pinagsasabi nila kasi hindi ko na maintindihan, yung tipong malalalim na terminong ingles na ang ginagamit nila. palibhasa bobo talaga ako, what do you expect pa ba? minsan pa, nagmumukha na talaga akong tanga na kahit alam ko tanga na talaga ako, nadidiin pa yung katangahan ko sa pagsasalita ng ingles kapag nakokorek ako, pero alam ko kailangan yun para matuto ka, kaso nakokorek ako sa madaming tao kaya parang napapahiya ako. ouch sa akin yun, as in. pero kinakain ko na lang kasi talagang hindi kasi ako marunong magsalita ng english kaya dinadaan ko na lang sa ngiti. kaya kahit gusto ko matuto eh natatakot na akong makorek, baka mapahiya lang ulit ako. ika nga ang "tanga ay tanga" . siguro may pag-asa pa akong gumaling sa pagsasalita ng ingles, KUNG may magtiyatiyagang magturo sa akin, simula sa pinaka basic ng pagsasalita ng ingles. pero feel ko wala magtiyatiyagang magturo sa akin. kahit nanay ko hindi ako matuturuan eh.. sino pa kaya? siguro kahit si tessa hindi din matiyatiyagang turuan ako eh.. simula UMPISA ba naman?! takte sino, sino, sino!!!! yan ang hirap ko kapag napapasama ako sa mga taong marunong magsalita ng wikang kinaaasaran ko, ang wikang ingles!! sana tulad na lang ako ng iba na magaling magsalita ng ingles kahit mabababaw na salita lang basta dirediretso, ayos na.

Monday, August 20, 2007

YES!!

yes!! no more typhoon EGAY, no more suspension, no more boring days, tomorrow i'm gonna see my hunny again! yipeee!!!, i'm so excited and i can't wait to see her again. i love you hun!

ooppss.. by the way, before i forgot. it's already finish, and i'm so happy.
bye..

HELL YEAH!!

i don't have any topic to discuss that's why this post is too short. only four words are playing in my mind at this very moment, you wanna know what is it? I love you tessa! do you have a problem about it? if there is! fuck you!! just kidding.. ehehehe..




p.s. sorry sa mga wrong grammations ahaha!! (kung meron man..) " im no writer.."

Sunday, August 19, 2007

trailer..


it's hard to accept the truth that, this calamity we are expriencing now is coming to worse. if we don't move now, when will it be? this is the trailer of the documentation about the global warming of Al Gore, titled "an inconvenient truth", let this be the start..

wake-up call!!


ito ang movie na dapat pinapanood ng mga tao.


ang "an inconvenient truth"



kaya ikaw, wag ka ng gagawa ng mga bagay-bagay na makakadagdag pa sa pag init ng mundo.



Proposed Global Warming Preventative Measures



If human activities are causing global warming, it must be possible for humans to stop those harmful activities. Currently, efforts to curb global warming are dismally weak. The famous Kyoto protocol is little more than an empty gesture, setting its aims so low as to be almost meaningless. Also, most environmental activists spend most of their time pleading for individual action such as using fuel-efficient cars and energy-efficient appliances, riding a bike, planting a tree, etc. Of course, these activities do reduce emissions, but in themselves they have little significant. In terms of trying to provide a good example, these individual measures may be admirable, but the only real solutions to greenhouse gas emissions lie in drastic changes.
Fossil fuel use must be phased out and replaced with renewable, non-polluting energy sources. Chemicals such as aerosols, CFCs, halons, etc must stop being produced altogether. Massive deforestation and pollution of crucial carbon sinks, such as the rainforests and oceans, must be halted, and if possible, reversed. The implications of this are certainly dramatic. Many things currently taken for granted will have to be altered, though preventing global warming does not necessarily mean sacrificing comfort and freedom. It may be bad for the energy and automobile companies, but for the masses, there is little which could be more of a threat to comfort and freedom than environmental catastrophe.
Unfortunately, it is easy to say what needs to be done, but difficult to do it. Control of the forces listed above is not directly in our hands. These things must be changed indirectly, by writing letters to newspapers and government officials, backing that up with demonstrations, boycotts, spreading of education to others, etc. Worldwide demands for clean energy, clean transportation, and clean industry, as well as protection of vital carbon sinks, must be made. Specific solutions will not be listed here, simply because simple solutions are not available for this problem. As has been stated, global warming is an extremely complex issue, and therefore, requires an extremely complex solution, not only in terms of individual responsibility, but in international corporate and state practices as well. Sweeping reform of wasteful and polluting practices is the only way to make a difference.
Those who deny the threat of global warming, or at least see it as far-off and relatively manageable, scoff at such drastic measures, but for those who believe there is even a remote chance of global warming reaching catastrophic levels, these drastic measures are truly the only way of being sure the current trends are halted.


enough polluting the earth, let's unite and save her.

Friday, August 17, 2007

go go go away!

punyemas na bagyo toh oh!! umales ka na!! takte 3 araw na ako walang pera eh!!

at higit sa lahat miss ko na hunny ko!!!

Wednesday, August 15, 2007

isang CENSORED na post.

isang gabi, pa uwi. Ako'y naglalakad doon sa iskinita.. mga alas onse na ng gabi, tahimik ang lugar at madilim.. mapanghe at maputik, wala kang makikita kundi mga tulog na aso at mga pusang na ngangalkal ng mga basura.. sa aking paglalakad may nakasalubong ako, medyo natigilan ako sa aking nakita. Isang mamang malaki ang pangangatawan subalit dugyutin, gulagulanit ang damit, punong puno ng grasa ang katawan, may mga nakasabit sa kanyang mga tinirintas na straw. habang binabagtas niya ang daan papalapit sa akin, natigilan siya. Tumingin siya sa aking mga mata. isang matalas na tingin ang aking nakita. natakot ako, hindi ko alam ang aking gagawin. dumiretso ako sa paglalakad. nakatitig pa rin siya sa akin habang ako'y papalapit sa kanya. nang madaan na ako sa kanyang harapan, hinawakan niya ako ng napakadiin. hindi ko na alam ang gagawin ko, pumalagpalag ako pero sadyang napakahigpit ng kanyang hawak sa akin. napapikit na lang ako sa takot at patuloy sa pagpalag. biglang sinabi niya sa akin.

PUTANG-INA MO! PACHUPA!

...nakapiglas ako bigla, at sabay takbo ng mabilis pauwi sa aking bahay.

nyoks nyaks!

ok gagawa ulit ako ng post

pero siyempre napapabilang nanaman ang post kong ito sa mga
dati kong post na siguradong walang kakwenta kwenta. yung tipong
hindi makakatulong sa buhay mo.. yung tipong wala lang..

gets mo?

sana gets mo..

oh dibah wala kwenta?!

tapos na ako e..

ehehe..

To be Conti-NUDE..

yess nandito ako ngayon nagblablag agen!
amfness.. kay tagal ko ng hindi nagsusulat sa pisting blog na ire..
anu ba makukuha ko kung nag susulat ako sa blog ko?
wala.. dibah?

alam mo ba, maraming nangyari sa akin nitong past few weeks ang dami talaga.. nakasaksi ako ng mga tampuhan, kulitan, sayawan(sa bodega kapag walang magawa sa buhay..-isa pala ako sa mga yun^ ^), kainan, exam ng TnB, wow!! ang dami talaga..

nakakapagod talaga kapag marami kang ginagawa..

ayoko ng magsulat ng post sa tagalog..
gusto kong mag ingles..

umm...
tagalog na english accent kaya?

kemuste ke ne? meigeina-geiwa ke be ngeyun? actually eku wela.. ito negseseleita neng tegelug in english accent. grebei eng hirep megselita neng tegelug..
eyukow neng meg seleita neng geneituw..

ang cute panoorin ng mga nag exam nung sunday.. (TNB exam)
akala mo wa epek ang pagiingay namin, ayun ahaha.. hindi nag tagal nadale din sila..
madaming sumuko, may mga nagtanghalian na hindi na bumalik, scareD? ahaha... haayyyzzzz....
ang sarap din maglaro ng monopoly.. ehehehe.. kaso hindi ako manalo nalo sa mga kuya's ko sa bodega..
laging sila ang panalo, ako yung laging talo. kaya tuloy minsan naisip ko na pag nag business ako, malulugi lang negosyo ko.. ahahaha..

well.. sa susunod na lang ulit ..

new game

ang bagong kinaadikan ko..
GRANADOS ESPADA
wow..
this game is really fun..
you know why?
because it's just like
playing final fantasy..
and I'm a big fan
of it,especially FF7..
at higit sa lahat,
LIBRE siya!

Sows-Fein-Dead

awooo awoooo

SUSPENDED ANG KLASE!!

YEAH!



sa iba masarap ang walang pasok, kasi walang subject na dapat na pagaralan, walang propesor na malakas mang insulto, walang katabing estudyante na malakas ang anghit, wala, wala, wala!!

pero para sa akin,

Damn!

kala mo malungkot ako?!

ASA..


siyempre masaya din ako!!


ahahaha..
ungas ka pala eh..
alam mo namang napakatamad
kong tao ehh..

ahahaha...

Wednesday, August 1, 2007

uy

http://s12.invisionfree.com/Fukas_Forums/ar/t807.htm

ehehe.. sana mangyari

http://s12.invisionfree.com/Fukas_Forums/ar/t807.htm

link po ito para sa mga combatron fan.. hayaan niyo magpapaalam ako kay berlin manalaysay
kung pwedeng mag recreate ako ng sarili kong combatron.

isang bago-ong post

you know what? i don't know where I should place this point .
in my head? in my stomach? or in my butt?

point is just a point, but when you see a lot
of points like these .......
we always conclude that it is a line.

point is like a spark,
and line is like a fire...

then when will it stop?

i hope it will be sooner or later..

its been 4 weeks.. gustong gusto ko na maglaro ng dota ng buong araw...

i wanna kick some ass, kick some stupid pleyah... who are still hoping to defeat us. there is only one thing i can say to those people... ASA..

Sunday, July 22, 2007

kantahan tyo

mga praneng
mga praneng
mga praneng-neng...

mga praneng
mga praneng
mga praneng-neng...

mga praneng
mga praneng
mga praneng-neng...

yo!!

****

ilang ulit
pa bang
uulitin

ilang salita
pa bang
bibilangin

ligaya!!

****

banal na
tao

taong
kabayo

natatawa
ako

hihihihihi!!
****
anung
paki mo
sa
blog ko
inggit
ka lng
kasi
ikaw
nalalaos!!

Wednesday, July 18, 2007

stripside

stripside 1 stripside 2

stripside 3

stripside 4
stripside 5

Monday, July 9, 2007

well cum.. Q("Q)


ito ang rampage para sa builder issue this term.. ^ ^ (sana...). wala na, yun lang po.. wahehehe....

Sunday, July 8, 2007

there's nothing important to say...

blog blog blog blog blog
blog blog blog blog blog
blog blog blog blog blog
blog blog blog blog blog
blog blog blog blog blog
!!!



fuck don't know what to do next..
can you give me some advice?

what should i do now?!

who the hell are you?
fuck you bastard!

ok let's give it a try...

ako'y umupo
sa ibabaw ng upo
sumakit ang pwet
sa upong malufet

humigop ako ng sabaw
sa ilog na mababaw.
merong tinapay,
meron ding pamaypay.


ulam ko'y manok
wala akong pangsalok.

masarap kumaen ng suman
doon sa tayuman
masarap ang gulay
kapag may kulay
malakas na utot
ang siyang bumalot

malakas ang hangin
ng mahulog sa bangin
hindi ko alam
kasi wala akong paki alam.

do i make sense?

one day, isang tae.

here i am again.. blogging some stupid idea...


pero bago ang lahat,
yehey bukas mageenroll na ako!! kaso di ko mapapasukan ang early class ko kasi inclusion sa mec ang iintindihin ko... haay sana mapasama ako sa B3 para hindi malaki vacant ko.. weeee...


ok let's get baCk to my stupid idea..

kapag natatae ka pala ang dami mong naiisip, una diyan kung panu mo ii-ire ung tae mo na napakalaki. tapos maiisip mo din yung mga nangyari sau sa araw na yun. kaPAG tumatae ako naiisip ko na bakit kaya ganun.. nakakatakot mag-isa. ika nga eh no man is an island kaya siguro nakakatakot ang maging mag-isa. pero hindi naman tayo nagiisa eh, kasi andiyan naman si Lord na laging dumaramay sa ating kalungkutan at pagiisa. mahal kasi niya tayo.

ang problema eh parang taeng malaki yan eh.. yung tipong gusto mo nang ilabas kaso ang sakit sakit sa tumbong kasi kumikiskis sa tumbong mo yung malaking tae. tulad ng problema, kahit gusto mong matapos dahil ang sakit sakit na nang mga nangyayari, hindi mo pa rin matapos tapos. ang solusyon diyan p[ag tumatae ka at hindi mo mailabas, dahan dahanin mo ang pag ire, parang sa problema dahan dahanin mong lagpasan. kasi wala naman mapapala kung padalos dalos. sakit lang ang aabutin.

oras lang ang makakagamot sa TAE!

MAY TISSUE KA? WALANG TUBIG EH..

Thursday, July 5, 2007

wooo..

pasensiya na po kayo, hindi po ako magaling magsulat eh kaya kadalasan ang mga pino post ko eh panay larawan. sige next post ko komiks na. ahahaha... kaso bawal sa bata. bastos kasi ang tema ng aking indie comics. nyehehe.

Star Wars






Darth Maul




Darth Vader
The weak shall die, and the strong shall live.
image from deviant art

malungkot ako..

haay.. ang lungkot ng araw na toh.. hindi ko alam kung bkit basta nalulungkot ako. ewan ko ba kung bakit. haaay...

Tuesday, July 3, 2007

ISang MaLupit na Putahe! agen and agen!




anu ba talaga meron sa pansit? bakit ba sa tuwing makakakita ako ng handaan o di kiya ng birthday party laging may pansit na naka hain.. anu ba talaga meron dun? eh puro gulay lang naman ang sahog! sabi ng matatanda pampahaba daw ng buhay... siguro may point sila dahil sa mga sahog na gulay. pero totoo ba yun?! KABARBERUHAN lang naman yun eh. paniniwala ng pinoy na baluktot. ahaha..





sandali nga.. panu ba matutunan ang tama at masarap na pagluto ng pansit?





nArito ang paraan ng pagluluto ng isang masarap na pansit.





INGREDIENTS:



2-3 tbsp. canola oil
1/2 can chicken broth
2 hard boiled eggs
2 to 3 crushed garlic cloves
1/4 c. green onions - sliced
2 c. fresh or frozen mixed vegetables in bite-sized pieces - including celery, carrots, green beans and cabbage
1/4 c. diced onions
1/2 lb. pork
1 8 oz. package thin Asian rice noodles
salt
1/2 c. baby shrimp
3 tbsp. soy sauce





STEPS:



1.
Step One
Cut pork into thin slices - about 1-inch long and 1/8-inch thick.

2.
Step Two
Soak noodles in hot tap water for about 5 minutes and drain (or soften noodles according to package directions).
3.
Step Three
Heat oil in a wok or large skillet over medium-high heat.
4.
Step Four
Brown pork, onions and garlic for 2 minutes.
5.
Step Five
Add soy sauce and sauté until pork is completely cooked.
6.
Step Six
Add shrimp and vegetables. Stir-fry for 1 to 2 minutes.
7.
Step Seven
Remove from heat and set aside half of the pork-vegetable mixture.
8.
Step Eight
Stir noodles into the other half of the pork-vegetable mixture and add 1/2 can of
chicken broth. Mix well.
9.
Step Nine
Add the rest of the vegetable-pork mixture and mix well.
10.
Step Ten
Place pansit on a large platter.

11.
Step Eleven
Top with sliced hard-boiled eggs and sprinkle with green onions.

gustong maligo sa balon!

heto nanaman ako, ako walang masabi.. panu ba naman walang magandang bagay na nangyayari sa akin.. naiirita ka ba? ako din ehh.. di pa kasi ako naliligo, tae. sira kasi yung tubig.. ginagawa pa ni manong tubero. gustong gusto ko na maligo! pahingi ng balde at tabo maliligo na ako sa kalsada. ang init init na kasi ng pakiramdam ko. gus2 ko ng maligo!! pllzzz... let me wash my beautiful body ahahaha!! isa lang sagot diyan ULOL!! ahaha...

Sunday, July 1, 2007

. . .

. . .

TAGOOM! NYEHEHE!

gago ka! ang dami mong alam... sana ako din! ehehehehE! tawa ka narin.. eeheh walang kwenta eh noh! ahaha

Saturday, June 30, 2007

kala mo wla na?! HINDI NOH! BUHAY PEDRO is BACK!!

Noong bata pa ako sinasabi sa akin ng magulang ko na mag-aral daw akong mabuti. Kasi un lang daw maipapamana nilang hindi mawawala sa akin, ang katalinuhan. Noon hindi ko pa maintindihan ang mga sinasabi sa akin ng aking magulang. Kaya nung nag elementary ako, oo, medyo nahihirapan talaga akong mag-aral mas gusto ko pa ung makipagharutan sa mga kaklase kong mga tamad tulad ko. Pero naagapan din naman un kasi...

“anak patingin nga ng mga notebook mo..”

...sa tuwing naririnig ko ang dialogong ito mula sa aking magulang, naku, panigurado malakas ang kabog ng puso ko. Kasi alam kong makikita nanaman nila ang mga notebook kong walang sulat at mga seatwork na 0/5,0/10... ang mga score.

Sa mata pa lang ng nanay ko, kakabahan ka na. kapag nakita ang mga ebidensiya ng aking mga katamaran, dalawa lang yan:

1. SINTURON
2. ASIN

pero ang kadalasan kong nalalasap eh yung una… kasi yung pangalawa eh kapag may pupuntahan pa ang mga magulang ko...“bakit wala ka nanamang sinulat bata ka, hala sige kunin mo ung SINTURON ng daddy mo at DUMAPA KA!!”

kapag ganito ang parusa sa akin dali-dali akong papanik sa kwarto namin tapos dodoblihin ko ung shorts ko, para di masyadong masakit kapag pinalo.. yan ang natutunan ko sa mga kuya ko, kasi pag sila ang pinapalo ganun din ang ginagawa nila. Tpos nun ibaba ko na ung sinturon at sabay pwesto sa minamahal kong supa (dito kasi kami lagi dumadapa pag pinapalo kami...). pero minsan wa epek yung ganitong stilo, kasi ang lakas ng palo sa akin, kaya tumatagos yung pressure.Dahil dito, nabago nang kaunti ang lifestyle ko, medyo nadagdagan ang pagsisipag ko sa pag-aaral. Lagi nila akong tinuturuan ng mommy ko, nung una nahihirapan ako pero nung mag quiz ako sa math nung grade 3 ako, nagging maganda ang resulta ng aking pag pupursige, naka perfect din ako sa wakas. Natuwa ako nang Makita ko ang resultang ito, naisip ko tuloy na masarap pa lang mag-aral. Kaya tuloy simula noon lagi akong nakakakuha sa math ng mataas na grade. Dahil dito pinababayaan na ako ng mommy ko na mag-aral mag isa.Pero sa science eh medyo bokya pa rin ako. Kaya yung naman ang pinag-aralan ko at siyempre tulad nung sa math maganda din ang nagging resulta matataas na grades ulit ang nakukuha kapag may exam. Pero ang kinaasaran ko sa lahat na subject at hindi ko maintindihan eh yung English at Filipino, sa iba madali ito pero sa akin hirap na hirap ako. Kahit pag-aralan ko ng mabuti, wa epek ang effort ko.Pag dating ko ng grade-4 inilipat kaming magkakapatid sa Methodist school, dito medyo tinamaan nanaman ako ng sakit na KATAMS, ang konti lang kasi namin dito. Mabibilang mo kami gamit ang mga daliri mo sa kamay at paa. At iisa lamang ang section kada baitang. Nagulat ako ng Makita ko dun ung kaiskwela ko sa dati kong skul, pareho pala kaming lumipat nang skul, at siyempre mag kaklase ulit kami. Natatawa ako nang malaman kong ako pa lang tule sa mga lalaki, ito kasi ang batayan namin dati nang pagiging lalaki. Siyempre ako ang bida sa mga lalaki, kasi lahat sila supot pa,Ahehehe... –ito ang lagging nasa isip ko kapag napaguusapan naming mga lalaki ang ganitong usapin.



Grade 4 ako nang lumipat ako ng school, at sa nilipatan kong school aw, dito ko unang naramadaman ung sinasabing paghanga sa isang babae, tatlo silang nagustuhan ko. Ehehe.. ewan ko ba anu yung naramadaman ko nun, nung first day ko nakita yung dalawang babae na yun, tapos kinabukasan ayun meron pa palang isa, may lahing australiana (sabi ko tuloy, ui foreigner…). Maganda yung tatlong babaeng yun, pero mas umiral pa rin sa akin ang pagiging bata nung mga panahon na yun.Kaya first week pa lang inasar ko na agad sila, kasama ko yungisa kong kaklase dun sa dati kong school.Kaming dalawa ang pasimuno ng kakulitan nung grade 4, pero may makulit din pala dun.. kaya naging kasama narin namin siya kakulitan.. kaya tatlo na kaming pasimuno ng kulitan sa klase.Anim kaming lalaki at siyam lahat nang babae, pero sa anim nay un 5 lang kaming makukulit. Kasi yung isa eh masyadong inosente at masyadong seryoso sa pag-aaral, tahimik pa… iyakin din pala minsan… pero mabait…at higit sa lahat siya ang top 1 namin ( nagmana ata sa akin…. Ehehe… biro lang…). Masaya ang grade four year ko kasi mas natuto akong maging kristiyano, Methodist school yung pinasukan ko.Lahat nang teacher ko mababait, pero tulad ng dati bokya pa rin ako pag dating sa Filipino at English. Kahit lumipat na ako hirap pa rin ako, ewan ko ba sa utak ko. Nahihirapan ako sa mga itinuturo ng teacher ko sa English, puro na lang verb, adjective, preposition, noun ang mga naririnig ko, naiisip ko tuloy minsan….“nakakain ba ang noun? Bakit puro yan ang sinasabi ni Ma’am?”Nalulungkot ako minsan pag walang ginagawa sa klase, kapag tipong absent yung teacher. Ang konti lang kasi naming eh, at ang liit pa ng classroom. Wala akong ginagawa kundi mang asar ng babae, sila kasi ang masarap asarin… pero minsan tinatamad na rin ako eh… at kapag napikon na sila sa pang aasar ko… naku… yari nanaman ang buhok ko, kasi sasabunutan nanaman nila ako hanggang sa humingi ako ng sorry, pero niminsan di ko yun ginawa. Kaya pag hindi pa sila nakuntento, hala kukunin na nila yung super weapon nila… ang WALIS at TAMBO. Yan ginagamit nila pamalo sa amin, tapos pagtutulungan ka pa nila hahawakan at tsaka ka papaluin. Masyadong brutal ang mga kaklase kong babae, pero kapag ganun na ang sitwasyon tatakbo na ako pababa at pupunta na ako sa canteen, tapos hihintayin na naming mga lalaki ang susunod na subject. Dun safe na kami.Pag dating nang uwian bibirahin ko nanaman sila ng asar, lalona’t kapag kasama ko yung katandem ko sa pangaasar, ayun mag-uusok nanaman ang mga ilong nila sa galit at hahabulin nanaman kami. Pero lagi silang bigo kasi runner kaming dalawa eh, at may sundo pa kami yung nanay ng bestfriend ko. Kaya ligtas kami sa hagupit ng walis at tambo.



Marami talagang nangyari nung ako’y nasa elementarya pa. iba’t-ibang kalokohan ang aking mga pinaggagawa. Nandiyan yung pinag tripan ko yung aming principal..May ginawa kasi akong ditiklop na papel, yung pag tiniklop tiklop mo makikita mo yung sexret message.. ayun pinakita koSabi ko “ ma’am. ma’am tingnan niyo po ito..”Siyempre hindi naman tanga principal naming.. ayun nabasa niya yung secret message..Tumawa lang siya. Maya maya, sa classroom tinawag ako ng principal ko, ayun pinagalitan ako at pinapatawag ang mama ko.Anak ng lakas ng kabog ng dibdib ko nun, di ko alam ang gagawin koFirst time ko kasi mapatawag ang magulang. Di ko talaga alam ang gagawin ko..Hindi ko alam kung bakit pinapatawag ang mama ko, pero bigla kong naalala yung ginawa ko s principal. Sabi ko..“Anu kaya koneksyon nun?”Nung dumating mama ko, kinurot kurot ako.. sabi niya sa akin“Humanda ka, bata ka. Mamaya tayo sa bahay…”Ng marinig ko yun talagang kinabahan na ako, di ko na alam ang nangyayari.. hindi ko na rin na intindihan ang mga pinagsasabi niya. Basta ang iniisip ko eh yung mamaya sa bahay..Kinausap na si mama ng principal. At ilang saglit pa at natapos na rin ang kanilang diskusyon.. at pagkatapos kinurot ulit ako ni mama..“Ok na..Mag sorry ka sa principal niyo”Medyo nakahinga ako dun ah.. nag sorry ako sa principal ko at nginitian lang ako..Matapos ang insidente..Lumapit sa akin yung kaklase ko na kasama kong gumawa ng mga ganun..Sabi niya SORRY. sabi ko sa isip ko, “ sorry sa alin?”. Sabay alis nung kaklase kong yun. Naisip ko ulit kung bakit ako pinagalitan, eh ang nakalagay lang naman dun sa papel pag tiniklop-tiklop eh “ HI SA IYO”.Tiningnan ko ulit yung papel, ayun pa rin naman yung nakalagay. Put* sabi ko nang Makita ko yung nakasulat sa banding ilalim ng papel. Ang nakalagay kasi eh..BABOY! (mataba kasi yung principal namin..)



Lumipas ng lumipas ang mga araw at nalalapit na ang pagtatapos ko ng elementarya..Pero bago ang araw ng pagpapaalam nagkaroon kami ng retreat. Nagswimming kami, buong grade 6 at 4th yr. at siyempre, ang mga teachers.. siyempre di sila mawawala dun sa eksena kahit walang binayaran.. tama ba? Apihin ko ba?Masaya ang naging retreat namin, dun din ako sinagot nung crush ko. Siyempre lagi ko siyang kinukulit. Sa totoo lang bata pa lang ako marunong na ko lumandi, palibhasa’y nanonood ako sa t.v. ng mga ganyan, lalo na yung T.G.I.S. , madalas ko itong panoorin nung nasa elementarya pa ako. Ginaya ko yung mga ginagawang moves sa panliligaw dun. Yun na siguro ang pinakamagandang araw ng buhay ko nung mga panahong iyon.At ang pagtatapos ay dumating, masaya ako na malungkot.. hindi ko ma explain ang nararamdaman ko. Siguro kasi talagang naging close na ako sa mga kaklase ko, sa tatlong taon ba namang naging magkakaklase kami eh. Hindi ko tuloy mapigilan na umiyak,Pero pinipigilan ko yun.. siyempre lalake ako eh.Sa araw ng pagtatapos ko ng elementarya, naisip ko na rin na pagtatapos na rin iyon ng aming paglalaro, pagigingbata, at ng una kong pag-ibig.. sapagkat ako’y lilipat na ng skwelahan, sa ibang iskul na ako mag-aaral ng high school. Nabwibwisit nga ako sa mama ko, kasi ililipat pa ako ng skwelahan. Pero wala din naman ako magagawa kundi sumunod sa mga plano ng mama ko.Daddy ko ang umattend sa graduation ko, wala si mama.. masyado kasi siyang busy.Malungkot ako, kasi si daddy lang ang nakakita ng aking pagtatapos sa elementarya pero wala ako magagawa bata pa lang ako nung mga panahon na yun ehNung kumakanta kami ng graduation song namin.. ewan ko, hindi ko napansin na naiyak ako.. grabeh! Buti na lang at may panyo ako.. kundi jahe! Natapos ang graduation hindi ko nakausap si Labs, hindi manlang ako nakapag paalam sa kanya, hindi ko manlang nasabi sa kanya na ako’y lilipat na, hindi ko manlang nasabi sa kanya na mahal ko siya..Bago ako umuwi kumain muna kami ni daddy sa fastfood. Madami kami kinain, nanghihinayang ako at hindi namin kasama si mama, mas maganda kasi kung pareho silang kasama ko habang nag didiwang sa aking pagtatapos ng elemntarya.Sa pag-uwi namin bigla nanamang pumasok sa aking isip kung bakit hindi ko siya nakausap.. bakit nga ba? Puppy love lang naman yun ah? Bakit ko pa rin siya naiisip?Ganun ba ang pag-ibig?Sa huli wala pa rin ako magagawa, sapagkat ako’y isang bata lamang…



“Sa ating pag-aaral madalas lagi tayong tinatamad kasi ang daming takdang pinapagawa ng ating mga guro, mas inuuna natin gawin ang mga bagay bagay na gusto natin. Tulad ng paglalaro, panonood ng telebisyon, at iba pang gusto nating gawin, na kadalasan wala namang naitutulong sa ating buhay”sa bawat pagtatapos ay may bagong simula…Tapos na ako ng elementarya at ako’y papanik na sa mas mataas na baitang ang High school. Pero bago ang lahat siyempre sa bawat pagtatapos ng skul yr. may kasunod na…

BAKASYON!!

Anu ba ang una mong maiisip pagnalalapit na ang bakasyon?

SWIMMING!!

Matapos ang madramang pagpapaalam sa elementarya… bakasyon na! kadalasan tuwing bakasyon naga-awting kaming buong pamilya(kasama diyan ang buong pamilya, mga pinsan ko, tito’t tita ko, mga kasamahan sa bahay, mga driver lahat lahat na basta’t may koneksyon sa buong pamilya.).

pero ang bakasyon na toh iba.. namimiss ko na kasi sila..Silang mga naging kaklase ko sa elementarya..Naiisip ko na lang bigla.. at tinawagan ko si Labs.. matagal-tagal ko na rin siya hindi tinatawagan..para sa akin, kami pa rin nung mga panahong iyon..

Paulo: hello pwede po kay M***h?
Labs: sino toh?
Paulo: si paulo po,
Labs: o, bakit?
Paulo: ui, musta ka na?
Labs: okey naman..
Paulo: musta na kayo ng boyfriend mo?
Labs: wala..
Paulo: anung wala?
Labs: wala.. as in wala..
Paulo: ah ganun ba?
Labs: …
Paulo: sige mukhang busy ka, bb..
Labs: sige, bb..

Tanga ko noh? Bakit ganun ang sinabi ko?Matapos ang paguusap na yun, natulala ako at hindi alam ang gagawin.. sabi ko sa sarili ko, “ ganun lang ba yun? ”. ngayon ko lang naisip na bata pa nga talaga ako ng mga panahon na yun at wala pa talaga akong alam sa pag-ibig na tinatawag..


Wow, bakasyon na! wala na akong iintindihinng mga bagay-bagay konektado sa iskwelahan, wala na munang mga takdang iintindihin, wala na munang sermon na maririning galing sa mga guro. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, sapagkat wala na rin munag mga kaklase na madalas kong kakulitan. Ngayon, ako lang din muna mag-isa. Pero ang lahat ng yan ay pansamantala lang muna, dahil oras ko ngayon para maging payapa.Tuwing sasapit ang bakasyon, madalas nasa bahay lang ako. Parang isang prinsipe, kain,tulog, laro lang ang ginagawa. Samantalang ang ibang batang kasing edad ko, ayun at nakabilad sa araw at nagpapakahirap magtrabaho makakain lang na kadalasan ay naaabuso. Wala pa nga talaga akong alam sa buhay ng mga panahong iyon. Tanging sarili ko lang ang iniintindi.Tuwing bakasyon nagkakaroon din kami ng swimming, sa sobrang init ba naman.. summer na kasi.. pumupunta kami sa mga beach, resort, para mag relax. Sa buhay natin kailangan din kasi natin ang pagrerelax mula sa pagtratrabaho, pagaaral, at iba pa. masarap lumangoy, kahit madalas nalulunod ako. Masaya ako kasi nararanasan ko ang mga ganitong bagay, samantalang ang ibang bata na kasing edad ko, ayun lumalangoy din sila, hindi para mag relax o mag pakasaya. Lumalangoy sila para mabuhay, lumalangoy sila para makaipon ng pangmatrikula sa susunod na taon. Lumalangoy sila mula madaling araw hanggang umaga para makarami ng huling isda.Upang maibenta sa palengke.Bilib ako sa mga batang ito kaya na nilang buhayin ang kanilang mga sarili, samantalang ako eh.. umaasa sa kaban ng aking mga magulang. Pero sa kabila ng aking paghanga ako’y naaawa din sa kanila, sapagkat maaga silang namulat sa totoong kulay ng mundo, maaga silang nagkaroon ng responsibilidad, hindi man lang nila naranasan ang pagiging bata.




Mabilis na natapos ang bakasyon, Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala ang panahon ng pagiging isang prinsipe. Ngayon, tuluyan ko na talagang iiwanan ang pagiging bata. Heto na at nalalapit na ang pasukan, isang bagong simula, isang bagong kabanata ng aking buhay ang mabubuksan. Sa pagkakataong ito kailangan na ng pagbabago. Pagbabago sa pag-aaral, pagbabago sa ugali, at pagbabago sa buhay.Dumating ang araw ng pasukan. Madaling araw pa lang, gumising na ang tatay ko para ipagluto ako ng aking almusal, matapos siyang magluto, ako’y kanyang ginising. Tulog mantika ako, kaya madalas na ginagawa ng tatay ko para magising ako, hinahampas ang hita ko. Weird noh? Pero effective sa akin yun. Mababakas sa aking mukha ang pagiging puyat, alam mo kung bakit? Hindi kasi ako nakatulog sa kakaisip kung anung uri ng mga tao ang makakasalamuha ko sa bago kong paaralan. Kumain ako ng almusal na parang isang normal na araw lang. nagsipilyo, naligo, at nagbihis..Madaling araw ng inihatid ako ng aking ama papasok sa iskwelahan.

“Tingnan mo ang section mo sa bulletin board niyo…”

sige po..”

Maaga pa ng makarating ako sa bago kong iskwelahan, higit na mas malaki ang bago kong iskwelahan kumpara sa dati. Wala pang masyadong estudyante sa bago kong tahanan, umupo ako sa bakanteng silya. Habang lumilipas ang oras, unti-unting dumadami ang mga estudyante, unti-unti na ring lumalakas ang kabog sa aking dibdib. Kinakabahan na ko, dati kasi nung ako’y nasa elementarya pa, kapag bago ako sa isang iskwelahan, lagi kong kasama ang nanay ko. Siya ang nagiging kakampi ko sa aking pagiisa. Subali’t ngayon ako na lang magisa, walang kakampi, walang sandalan kundi ako lang.Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng tumunog na ang bell. Madami na ang tao, marami nang estudyante. Ngayon ko lang ulit to naranasan, ang makakita ng maraming estudyante. Lumipas pa ang ilang oras at unti-unting nauubos ang mga estudyanteng kanina’y hindi mahulugan ng karayong. Ayun at prenteng-prente akong nakaupo sa isang tabi, walang pakialam sa mundo’t nagmamasid sa kapaligiran. Lumipas pa ang ilang minuto, Nagtataka ako kung bakit ganun? Kanina lamang napakaraming estudyante at ngayon ay wala na akong makita kundi mga nanay na nagsisipaguwian. Nang biglang may lumapit sa akin na guardiya.

“boy alas otso y’media na, cutting ka na..” pabirong salita…
“po?!”
“freshman ka ba?”
“opo..”
“kaya naman pala haha… naku’t kunin mo na ang section mo dun sa bulletin board, ayun oh ng makapasok ka na sa klase mo.. late ka na..”

Naisip ko bigla, kaya pala nagkukumpulan ang mga estudyante’t nanay sa blackboard na yun…

“Ho!! Sige po salamat…”

Grabeh! Ang aga kong gumising, ang aga kong nakarating sa skul, prenteng-prenteng nakaupo, simpleng instruction , nakalimutan ko pa…


First day, first late, astig. Pagdating ko sa pinto ng classroom, buti na lang at wala pang guro pero puno na ang classroom ko. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi, nasanay kasi ako na kakaunti lang ang aking mga kaklase. Alam ko na isa to sa mga pagbabagong kailangan kong harapin. Pumasok ako sa classroom ng buong tapang, iisa na lang ang silya doon. Mukhang para sa akin na talaga at mukhang kanina pa hinhintay ang mainit kong pwet. Tahimik ang lahat, halatang walang magkakakilala, mabibingi ka sa sobrang tahimik. Naalala ko bigla ang sinabi ng nanay ko,

“Anak mag-aral ka ng mabuti sa bago mong school, puro matatalino ang mga nagaaral diyan...”

Napagisip-isip ko tuloy, “mga nerd ba mga estudyante dito?”. Lalo akong kinabahan, kasi puro bokya ako noong elementarya baka hindi ako makasabay sa kanila. Para mapawi ang kaba ko, tinambol tambol ko ang arm chair ko, ako lang talaga ang gustong mag-ingay, talagang seryoso ang lahat walang naguusap-usap. Maya maya pa ay dumating ang isang guro at sinabing na late ang aming adviser kung kaya’t siya na muna ang pansamantalang hahawak sa amin. Sinabi niya na magkakaroon ng orientation sa auditorium maya maya.

“ok bago tayo pumunta ng auditorium para sa orientation niyo, magpapakilala muna kayo isa-isa sa harap…”

. . .

haayy.. buhay nga naman.. ang dami daming kwento na wala namang katapusan. laging may bagong chapter na dapat harapin... haayy.. talaga nga naman.

bad3p day!

TANG INA! nababadtrip talaga ako. alam mo kung bakit?!

una. bagsak ako sa philosophy. puta sabi na babagsak ako dun. gago talaga si evangelista!
pangalawa. namimiss ko si hunny.
pangatlo. wag niyo ako isali. nananahimik ako.

SHADOW MOON


SHADOW MOON

MASK RIDER BLACK


MASK RIDER BLACK

WARNING!

ngayon ko lang napansin to ha, puta naman bat dito kayo sa blog ko nagaaway. mga gago kayo, kung gus2 niong mag away, wag dito sa blog ko! dun kayo sa ibang lugar magaway! ang tino-tino ng blog ko eh.. dito kayo nagaaway. at yung post na tungkol sa magkakaibigan, shinare ko lang yung insights na natutunan ko nung nasa highschool ako.


kaya plz naman.. nakikiusap ako, wag kayo dito magaway! at huwag niyo ako isali sa away niyo... nanahimik ako eh..

kung anu man ang maging reaksyon niyo dito.. ke masama o hinde.wala na ako magagawa.. wag niyo lang ako isali. OK?!



Friday, June 29, 2007

BIOMAN


..BIOMAN..

MASK MAN!


..MASK MAN..
...

isang HIRIT pa!

ito ang nakakatuwa sa lahat..


look my kuya! mukhang hayok na hayok na sa chocolate cake na nasa harapan niya at tila gusto na akong suntukin dahil nagpopose pa ako sa camera ni daddy. tingnan mo rin ako oh! mukhang walang kamuwang muwang sa mundo.


akalain mo ang gwapo ko pala talaga dati! ahaha!! hanggang ngayon pa rin naman ahh.. tama ba?

mukhang hindi eh.. well nevermind! ahaha..
ang sarap ng hawak ni mommy! ahaha! sana bata na talaga ulit ako! ahahaha!!

Thursday, June 28, 2007

uuungghhhh..... ~sniff *


haayy.. ang sarap ng araw na to, walang ginagawa walang inaatupag kundi magpasarap. tapos na kasi ang exam, wala na akong rereviewing photocopied notes. magpapasarap lang ako ngayong araw na toh. as usual dota dota dota dota! agen and agen! walang katapusang dota! ahahaha!!


maiba tayo, tannung ko lang sa iyo.. naaalala mo pa ba ang unang selebrasyon ng iyong kaarawan? kung ako ang tatanungin mo. HINDI KO NA MAALALA eh, ang tagal na kasi at napakamusmos pa ng utak ko nun.


dati nung madalas kong tinitingnan yung mga photo album namin, nakikita ko yung mga larawan ng mga kuya ko kapag nagse-celebrate sila ng kaarawan nila. bonggang party lagi. yung parang sa mga palabas, yun tipong may cake, may ice cream, may balloons, at iba pang b-day party parapernaliya. sa totoo lang OO! naiinggit ako sa kanila, kasi simula nung una nilang b-day hanggang mag grade 1 laging may bonggang party. tapos ang dami dami nila laging regalo, tapos ang dami dami pa nilang bagong gamit, tapos sa school din nila nagpaparty rin sila. nung nasa prep pa lang sila, dinaadalan sila dun ng mga pagkain nila mama. yung tipong surprise party ba! tapos pinapasyal pa sila dati sa mga mall, ang dami pa nilang toy. haay.. inggitero? ako? uu! sobra! ahaha! hindi ko naman kasi naranasan yung mga ganyang party, ni isurprise nila ako sa school hindi ko naranasan yun. pag b-day ko wala akong regalo siguro yung naaalala ko lang eh yung regalo ni mama na t-shirt na dragonball, tsaka yung regalo ni ninang na bart simpson.yun lang ata naaalala kong nairegalo sa akin dati. sa telebisyon ko lang naman nakikita yung mga ganun, pero never kong naramdaman yung feeling ng magkaroon ng b-day party. sa tuwing b-day ako nagluluto si mama pansit at friedchicken. yun yung handa nila sa akin lagi. natutuwa naman ako kahit hindi nila ako binibigyan ng mga bonggang b-day party, kasi atleast sine-celebrate pa rin namin yung b-day ko. kahit hindi katulad ng sa mga kuya ko. pero naiinggit pa rin ako, alam naman nating lahat na gustong gusto ng bata na magkaroon siya ng isang bonggang b-day party kahit minsan sa buhay niya dibah?


nung isang araw, naisipan kong maglinis ng bahay, mag halughog sa mga sulok sulok. ewan ko ba kung bakit ko na isipang mag linis. nang magawi ako dun sa mga photo album namin, nakita ko nanaman ang mga larawan nila kuya nung nag b-birthday sila, siyempre nainggit nanaman ako. haayy... tapos may mga nakita akong mga album na luma pero ngayon ko lang nakita. nacurious ako at tiningnan ang mga larawan. ewan ko ba, parang kinurot yung puso ko, hindi ko maexplain yung naramdaman ko, hindi ko alam kung bakit biglang tumulo yung luha ko. nakita ko kasi yung mga larawan ng UNA KONG IPINAGDIWANG ANG AKING KAARAWAN. may CAKE at may nakalagay na, happy birthday paulo! from daddy & mommy.




"sana bata na lang ulit ako, sana hindi na lang ako tumanda, gusto ko kasi ulit maramdaman yung paglalambing pagmamahal at pagaaruga ng magulang."

Wednesday, June 27, 2007

anung araw ngayon? june 28 Tanga!

10:57 am, WOW! andito ako sa intramuros ngayon. wala akong magawa eh.. kaya ito nag bloblog ako. tapos dumating si hunny at nagyayang kumain. aw! panu yan kumain na ko.. GG..
tapos biglang nagyayang mag laro ng guilty gear ngek?! OO, ngek!

ahahaha!!

well.. wala na ako masasabi sa mga oras na toh.. mamaya na lang, soundtrip na muna ako ng ERASERHEADS. bwahaha!!

wow another bob ong book!



STAINLESS LONGGANISA by: BOB ONG!

ito ang bago kong babasahin na libro ni master bob ong.. grabeh pangalawa pa lang ito sa mga sinulat niya na babasahin ko. gusto ko pa basahin yung iba. hahaha..





pinahiram ito ni HUNNY. salamat!

LARO PO TOH. 3!

hanpin mo ngaun itoh! nasaan ang buo kong pangalan! PAULO VITALES ABALOS

Tuesday, June 26, 2007

BLAST OFF!! BOOM! AHAHA..

ULOL!

PUTANG-INA MO!

GAGO!

SIRAULO!

BALIW!

BOBO!

TARANTADO!

INUTIL!

FUCK YOU KA!

LANG HIYA KA!

PANGET!

PUNYETA KA!

ULOL! (ulit..)

wooo... SARAP!.. hehehe... oist! wala lang yan ha, asar kasi ako eh. 4 out of 10 lang nasagot ko sa exam sa math108. Haaayy...

para sa iyo IDOL!!


CHRIS BENOIT


Benoit's death part of a double murder-suicide
Written: June 25, 2007
According to lead investigator Lt. Tommy Pope, of the Fayette County Sheriff’s Department, in Fayetteville, Ga., the deaths of WWE Superstar
Chris Benoit, wife Nancy and son Daniel were the result of a double murder-suicide, WWE.com has learned.
Benoit failed to appear both at Saturday’s live event in Beaumont, Tx., and WWE’s Vengeance: Night of Champions in Houston Sunday night, after informing WWE of a family emergency. Several curious text messages sent by Benoit early Sunday morning prompted concerned friends to alert Richard Hering, VP of Government Relations for WWE, Inc. Hering, in turn, spoke with Fayette County sheriffs Monday, and requested that they respond to the Benoit residence to check on him and his family.
Authorities representing the Sheriff’s Department initially had a difficult time entering Benoit’s new Fayetteville home Monday afternoon, which had been guarded by two large German Shepherds roaming freely around the property. Once authorities entered the residence, they quickly located the bodies of Benoit, Nancy and Daniel. WWE was notified of the discovery at approximately 4 p.m.
At 10 p.m. Monday night, Lt. Pope held a press conference in conjunction with Scott Ballard, the district attorney for Fayette County. The press conference officially ruled authorities’ findings as a double murder-suicide from within the home.
WAGA, a FOX-owned and operated television station in Atlanta, reported that investigators believe Benoit killed his wife and 7-year-old son over the weekend, then himself on Monday.
The three bodies have been received by the Georgia Bureau of Investigation’s crime lab, in Decatur, Ga., where autopsies will be performed Tuesday morning. Toxicology reports will not become available for at least two weeks.
WWE.com has further information relating to both the investigation and the cause of death, but the Fayette County Sheriff’s Department has requested that WWE.com not release any additional details at this time.


source: http://www.wwe.com/shows/ecw/superstars/chrisbenoit/articles/benoitupdate

Monday, June 25, 2007

bang bang bang!


ito ang laruan na dapat binibili ng isang taong katulad ko. magkaroon lang ako nito, papuputukan ko sa ulo ang mga kaaway ko. hahaha. pero siyempre yung bala tubig lang. hehehe..

ChuGAT!

ahaha...

kamusta ka?

may sugat ka ata?

ayun oh!

ouch ba?!




hindi lahat ng sugat nagagamot ng b0nd-aid, hindi lahat ng sugat nagagamot ng betadine, hindi lahat ng masakit galing sa sugat.

HAAaaAaayyy BuHay..

TSK TSK TSK...

LARO PO TOH 2.

wow mukhang masaya ang ating laro ahh.. sige o ito hanapin mo!!

2005111123.. ahaha.. tingnan natin ang galing mo..

bwahaha!!!

Sunday, June 24, 2007

LARO PO TOH!

laro tayo.. hanapin mo sa page ko.. ang salitang MALAKAS AKO!! yan ehehehe.. may prize po ito ha..

toinks!

hala! ang lakas naman ng loob mo na basahin ang entry na toh well... mahusayka at nagawa mong basahin ang entry na toh... well wala naman akong sasabihin. 9:00 na exam ko na!! shit philosophy babagsak pa ata ako!! damn... simpleng simple babagsak pa.. bahala na kokopya na lang ako.. ahahaha!!

..Friendship..

may mga kaibigan ka ba?
madami ba?
ok naman ba kayo?
masaya ka ba sa kanila?
mapagkakatiwalaan mo ba sila?
gaano mo na katagal mo na sila kaibigan?
kilalang kilala mo na ba sila?

PAGKAKAIBIGAN!

kay gandang termino hindi ba? sapagkat nadiyan ang salitang PAGkakaIBIGan.. ang pagibig kasi ang ating sandigan kaya tayo nabubuhay. kaya nga ang mga TUNAY NA MAGAKAKAIBIGAN ay nagmamahalan. subalit dumadating sa mga magkakaibigan ang tampuhan, pero lagi niyo lang iisipin na normal lang sa mga magkakaibigan ang mga tampuhan. kasi yun ung dahilan kung bakit nagiging matatag ang inyong pagkakaibigan. at kapag may nakaaway kang kaibigan mo? dapat maging open minded ka.. isipin mo kung bakit kayo nag away, kung anu ang kanyang pagkakamali at ganun na rin ang iyong pagkakamali. at matapos kang magmunimuni mas maganda kung magpapatawad ka.. KUNG ANG DIYOS NGA EH NAGPAPATAWAD, IKAW PA NA TAO LANG..

sa grupo naman ng magkakaibigan.. kung mayroong magkaaway sa inyong grupo.. matuto kayong alamin ang pulot dulo ng kanilang awayan, at matuto kayong makinig sa magkabilang panig... huwag kayo gagawa ng mga bagay bagay na magpapalaki pa ng away. gaya ng pakikisali sa kanilang awayan, pag te-take ng isang side, pakikinig sa isang panig at agarang huhusgahan ang isa, pangbabackstab, at iba pang bagay na magpapalaki ng gulo. iwasan ninyo ang kampihan. matuto kayong makinig sa magkabilang panig. at kung hindi niyo naman ka close masiyado ang isang panig at yung isa eh ka close ninyo talaga huwag na huwag kayong MAGKAKAMPIHAN PARA LANG AWAYIN ANG NAGIISANG TAO. matuto kayong MAGPATAWAD. at higit sa lahat iwasan niyo ang pagiging MAKITID NA TAO. minsan kasi sa away magkaibigan o kahit anu pang away, minsan PRIDE na lang ang pinaiiral kung bakit patuloy pa rin kayo nagaaway. matuto tayong kainin ang ating pride paminsan minsan.

lahat naman ng bagay nadadaan sa maayos na paguusap. adios!!

KONTER STROKE




uy, nilagay ko rin sa wakas dito yung entry ko sa deviantart. buti na lng.. TINOPAK AKO!!
Ito ang KONTER STROKE na isa rin sa mga ginawa kong komiks, actually hindi ko pa xa tapos. well wala naman talagang storya itong komiks na toh..

ipost ko na lang dito ung isang page ng KONTER STROKE!

Friday, June 22, 2007

hehehe

i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa
i love you tessa i love you tessa i love you tessa
i love you tessa i love you tessa
i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa i love you tessa
i love you tessa i love you tessa
i love you tessa i love you tessa
i love you tessa i love you tessa
i love you tessa

Another FOOD 3pinG!!



DINUGUAN NI MAMA..
Hindi pa rin yan yung tunay na luto ni mama galing lang sa net yan..

gutom na gutom na ako sa mga oras na ito.. at ang unang pumasok sa isip ko ay ang pagkaing Dinuguan. Speaking of Dinuguan... narito ang ilang datos sa pagluluto ng masarap na dinuguan.








Dinuguan (blood Stew) Categories: Pork
Yield: 4 servings




  • 1 lb Pork, diced

  • 2 tb Oil

  • 2 Cloves garlic, minced

  • 1 Onion, diced

  • 1/4 lb Pork liver, diced

  • 1/2 c Vinegar

  • 2 tb Patis (fish sauce)

  • 1 ts Salt

  • 1/4 ts MSG (optional)

  • 1 1/2 c Broth

  • 1 c Frozen pigs blood

  • 2 ts Sugar

  • 3 Hot banana peppers

  • 1/4 ts Oregano (optional)



1. Cover pork with water and simmer for 30 minutes. Remove from brot
dice. Save 1-1/2 cups of broth.

2. In a 2-quart stainless steel or porcelain saucepan, heat oil and s
garlic and onions for a few minutes. Add pork, liver, patis, salt and Saute
for 5 minutes more.

3. Add vinegar and bring to a boil without stirring. Lower heat and
simmer uncovered until most of the liquid has evaporated.

4. Add broth. Simmer for 10 minutes. Stir in blood and sugar; cook
until thick, stirring occasionally to avoid curdling.

5. Add hot banana peppers and oregano and cook 5 minutes more. Serve

Preparation Time: 15 minutes Cooking Time: 50 minutes Serves 4

Recipes by Dennis Santiago, TWS bbs (1-310-676-0492), formatted by Man
Rothstein (1/24/94)

HuwAaaTTttt!!!

huwatt!!! watta?!!
anung meron?
hindi ko alam.. bakit?
waaaa!!!
ok game..
bukas is june 23, araw ng tournament sa MOA team Zenith pupunta ahaha!! makikita na rin namin ang mga idolo namin.. OO! kasali ang team namin ang team ROUNIN.
members ng team rounin:
  1. MAMA VayNE CarLO
  2. ABS Anthony
  3. TOMY Thomas
  4. TRASHTALK BOI Jomer
  5. DRIZZLE ADi

mga reserve:

  1. DANICALING PAulo
  2. MaLLow Uy

pero ang napag usapang maglalaro bukas para sa tournament ay sina:

  1. MaLLow
  2. Abs
  3. VayNE
  4. buhawi

reserved ulit ako, DanicaLing!

HUWAAATTTT!!!!

oopppsss!!! FLASH NEWS: ngayon ko lang nalaman na hindi pala tuloy ang tournament bukas sa MOA. AW! amfefe anune! ok wala na talaga, re-schedule daw ang araw ng paghuhusga!

ika nga ni ABS " magkakalat lang tayo dun eh..."

Baka tinatanong mo kung anu bang meron sa TOURNAMENT na yun, kung bakit binablog ko?

kasi ganito kalaki ang prize P150,000.0..

oh dibah bongga!

Wednesday, June 20, 2007

..bAd dAy..

Well here I'am again, blogging. What can I say? nothing . . .

hindi ko alam pero itong araw na ito naisip ko na para bang napakadaming kulang sa buhay ko... akala ko meron ako, pero parang wala. akala ko ok na pero hindi pala. akala ko kaya ko pero parang hindi na ata. akala ko, akala ko.. yun na lang yun. ayokong magsalita, para walang kwento. I'LL JUST KEEP IT TO MYSELF na lang...

I LOVE YOU HUNNY..

Monday, June 18, 2007

MAY DA PORES BE WED YO!

WaTta Day!!

ito ang araw na aking sinusumpa!! puuutttaaaaaaaaa!!!!

alam mo kung bakit?

simple lang naman ang mga nangyari sa araw na ito, isang araw ng kamalasan. Lahat ata ng kamalasan sa araw na ito nakuha ko na ata. Gus2ng gus2 ko ng umuwi para makaiwas sa kamalasan ng araw na toh. Sige para mas malinaw kung bakit sinusumpa ko itong araw na ito,
bibigyan ko kayo ng listahan ng mga kamalasan ko sa araw na ito.

  • umagang umaga nag brownout sa bahay namin siyempre kapa kapa kasi madilim pa.. kaya ayun nadulas ako sa harap ng ref. may basa pala, puta naman.
  • pagkatapos maligo nagkailaw ok na sana kaso, wala akong masuot na damit, lahat nasa labahan.. puta naman talaga.. kaya suot ko yung pinakaayaw kong T-shirt bright yellow yung kulay amf.. center of attraction tuloy ako sa mapua.
  • exam day ko ngayon sa Philosophy, open notes.. yes papasa na rin.. puta! (ulit) hindi namin natapos ng partner ko yung exam. ang bagal kasi niyang magsulat at bobo ako sa grammar kaya hindi ko siya matulungan mag compose ng essay.
  • exam day ko din pala sa math108, madali lang yung exam.. kung nagaral ka. eh nagkataong hindi ako nakapag-aral, ayun wala akong masagot. gumawa pa ako ng kodigs para may maisagot. anak ng.. hindi ko din nagamit. buti na lang at nanjan si David, nakakopya ako ng mga solution.. two thumbs up sa iyo bitch!! hahahaha...
  • at ito ang pinaka PUTA!! na kamalasan ko... siguro KARMA SIYA!! habang gumagawa ako ng kodigs sa math108 sa south building ng mapua.. ayun kakamdali ko at sa tarantang taranta kasi wala akong alam sa exam, ayun NAHULOG YUNG WALLET KO! tanga ko noh! kala ko ok na eh.. kasi nakuha ng mga guard at dinala sa lost and found.. kaso.. na lost yung money sa loob! tuloy wala na akong pera, ID lang natira sa akin.. bye bye P300. yun na nga lang pera ko nawala pa.. iniisip ko nga mga guard ang kumuha.. pero that's bad wag magisip ng masama sa kapwa dibah?! DAMN wala akong masisi.. NYETA! buti na lang at nandiyan si TESSA! ayun pina utang niya ako ng P100 kaya nga nakakapag blog ako ngayon eh... LIFE SABER hahaha!! bzzzzwww!!

sana naman wag nang masundan ang mga kamalasan ko sa araw na ito..

haayy...

isa po itong sumpa, pag binasa mo ito... haha nasa iyo na ang kamalasan ko!! yey!!

12:03 sign out!! Q(",Q)

Thursday, June 14, 2007

. . .

"oNLy a RoUniN cAn KiLl a NinJa"

Wednesday, June 13, 2007

ITS MAMA CARLO'S DAY

sino may debut?

oh nose! it's mama carlo!! birthday ni Carlo Delino ngayon!! june 14,1989..

PARA KAY CARLO..
Carlo, 18 yrs. old ka na. dalaga ka na, kailangan matuto ka ng mag ayos sa sarili mo..(hahaha..). madami ka ng manliligaw ngaun. toinks! biro lang.. serious mode.. wow! nagseryoso ako, bongga! oist Carlo pasalamat ka sa Diyos at umabot ka sa edad mo na yan.. ahaha... sige yun lang, HAPPY B-DAY na lang ulit at sana'y madaming B-DAY mo pa ang dumating... para marami pang darating na libre, bwahahahaha......

huling hirit!

schedule ng libre day ni carlo
10:30-12:00 nilibre kami ni Carlo
1:30- ?? tuloy ang ligaya ng libre ni Carlo

hopefully malilibre din kami ng pagkain..
at pag katapos, dahil 18 yrs. old na siya.. didiretso kami sa kabayong lumilipad. sa PEGASUS!

nyahaha!!

END.

next question plz..

wala nanaman ako maisulat sa blog..
wala nanaman akong magawa sa kasalukuyan..
wala nanaman mangyayari sa akin..
wala nanaman akong natapos na gawain sa araw na ito..
wala wala wala wala wala wala wala..
isang walang kwentang entry nanaman ang ginawa ko kelan ba ako makakagawa ng isang matino tinong blog? kelan? kelan?! KELAN!!
NABABAGOT KA BA!?
nababagot ka pala eh, bakit mo pa binabasa itong mga nakasulat dito? hA? bakit? ibig sabihin nacucurious ka sa mga sinasabi ko noh.. wag mo nang ituloy ang pagbabasa.. kasi wala ka din naman mapapala.
MAY TANONG AKO: bakit kailangan nating mabuhay?
  • maski ako hindi ko din masagot ang katanungan kong ito, marahil kulang ang aking nalalaman sa larong ito. kelangan ko sigurong mag research muna sa gamefaqs.com para masagot ang katanungan kong ito. pero teka anu ba ang platform ng larong ito? playstation ba oh baka naman xbox 360? kahit pa man yan hahanapin ko muna sa game faqs. tarantadong gamefaqs.com toh, akala ko ba lahat ng laro meron silang information oh kaya walkthrough? puta ito binigay na sagot sa akin...

Search Games
No results were found for your search.

  • paano ko na sasagutin ang katanungang ito? baka naman hindi ito laro kung kaya't hindi ko makuha ang impormasyon na kelangan ko.. subukan ko kaya sa wikipidea.org panigurado andito ang impormasyong hinahanap ko...sinearch ko sa wikipedia ang ibig sabihin ng life.. wow may nakuha akong impormasyon..ito ang binigay..
Life is a condition that distinguishes organisms from inorganic objects, i.e. non-life, and dead organisms, being manifested by growth through metabolism, reproduction, and the power of adaptation to environment through changes originating internally. In physical terms, life is an organism that feeds on negative entropy.[1][2] In more detail, according to physicists such as John Bernal, Erwin Schrodinger, Wigner, and John Avery, life is a member of the class of phenomena which are open or continuous systems able to decrease their internal entropy at the expense of substances or free energy taken in from the environment and subsequently rejected in a degraded form (see: entropy and life).[3][4]A diverse array of living organisms can be found in the biosphere on Earth. Properties common to these organisms – plants, animals, fungi, protists, archaea and bacteria – are a carbon and water-based cellular form with complex organization and genetic information. They undergo metabolism, possess a capacity to grow, respond to stimuli, reproduce and, through natural selection, adapt to their environment in successive generations.An entity with the above properties is considered to be a living organism, that is an organism that is alive hence can be called a life form. However, not every definition of life considers all of these properties to be essential. For example, the capacity for descent with modification is often taken as the only essential property of life. This definition notably includes viruses, which do not qualify under narrower definitions as they are acellular and do not metabolise. Broader definitions of life may also include theoretical non-carbon-based life and other alternative biology. Some forms of artificial life, however, especially wet alife, might alternatively be classified as real life.
  • sa tingin niyo matutulungan ba ako ng impormasyong ito para sagutin ang katanungan?hindi ko din magamit ang natagpuan kong impormasyon mula sa wikipedia. siguro hindi internet ang sagot para masagot ko ang katanungang ito, BAKIT KAILANGAN NATING MABUHAY? simpleng katanungan na kay hirap sagutin, ibase na lang natin sa ating karanasan sa buhay. mag simula tayo sa mas simpleng tannung.
SAAN BA NAGSIMULA ANG BUHAY?
  • hindi ko alam kung saan talaga nagsimula ang buhay, ayon sa scientifically reasoning nagsimula ang buhay sa isang cell na binubuo ng milyong atom na nag evolve sa iba't ibang species hanggang sa magevolve sa tao, pero kung sa banal na salita ang pagbabasihan nag simula ang buhay ng nilikha tayo ng Diyos mula sa putik at kanyang hiningahan kung kaya't nagkaroon ng buhay. pero ang kasagutang ito ay mapapatungan muli ng isa pang katanungan.. SINO ANG BUMUHAY SA DIYOS?
next question plz..
BAKIT TAYO NABUHAY?
  • kung ating susuriin at pagaaralan ang katanungan, sa totoo lang hindi ko din masagot. sige opinion ko na lang ang babanggitin ko.. ayon sa bibliya nabuhay tayo kasi nilikha tayo ng Diyos dahil mahal niya tayo.. nilikha NIYA tayo ayon sa kanyang itsura. nabuhay tayo kasi ito ang plano ng Diyos. wala na akong karapatan na kwestiyunin ang plano ng panginoon kung bakit nilikha niya tayo. sa kadahilanang hindi ko pa natatapos basahin ang banal na BIBLIYA at ako'y kanyang likha lamang.
nasagot ba ang katanungan? marahil hindi..
pede bang next question?
  • . . .
wala na palang susunod na katanungan.. bumalik na lang tayo sa pinaka unang katanungan.
BAKIT KAILANGAN NATING MABUHAY?
  • . . .
kayo na lang sumagot sa mga katanungan na ito, pagod na akong mag-isip..
GAME OVER