ako si paulo vitales abalos..gaano kasarap ang bawal!? simple lang ang sagot diyan... alam mo kung ano? sa totoo lang hindi ko din alam eh... bakit mo ba tinatanong... ha!! masiyadong kang nakikialam ah.. sapakin kita eh, walang pakialamanan.. boxing na lang tayo.. - Q("Q)

laong laing

laong laing
THE BEST WAY TO INDULGE YOURSELF IS TO EAT KANTON

Wednesday, August 22, 2007

confession # 2

haayyy...



(buntong hininga..)



grabehh...



ewan ko ba, ang daming umiikot sa utak ko sa mga oras na ito. alam mo, sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. ang dami kong gustong matupad pero alam ko imposible yun. kaya nababanggit ko na lang sa sarili ko na sana magkatotoo nga yung mga hinihiling ko.



sadya talagang madami tayong "sana" sa buhay natin. ewan ko ba pero ganun talaga eh.. sabi ng iba, wala daw talagang kakuntentuhan ang mga tao, madami talaga gusto ang mga tao.



ang dami kong "sana" na alam ko imposibleng magkatotoo.



tulad ng:



sana mayaman na lang ako, para lahat napapasaya ko, kaso ika nga ng iba you cannot please everyone

sana matalino na lang ako, para matataas ang mga nakukuha kong marka sa skwela

sana naging magaling na lang ako magsalita ng ingles

sana maging succesful akong engineer

sana humaba pa buhay ng mga magulang ko

sana kami na talaga

sana..

sana..

sana..





ang dami anu?

nakakalungkot lang talaga isipin na karamihan sa mga "sana" ay hindi na natutupad.

pero isang sana lang ang alam kong matutupad, iyon ay ang makatapos ng pag-aaral.



para sa hunny ko,

pasensiya na kung nagiging tahimik ako lately, kasi feeling ko ang sama-sama ko na talaga. lagi na lang kita inaasar at lagi ka din napipikon sa akin. at kadalasan yung pangaasar ko sa iyo ang nagiging dahilan ng ating pagkakatampuhan. pasensiya ka na talaga.. ganito lang talaga ako. feeling ko tuloy hindi mo ako deserve, na mas may karapat dapat pa sa iyo kesa sa akin. kasi ang bait bait mo tapos ako patuloy pa rin sa pang aasar sa iyo. sorry ha.. lam mo, natutuwa ako kapag tumatawa ka kapag kausap mo yung ibang tao. kaso nalulungkot din ako. kasi hindi ako yung nagpapangiti sa iyo e, sila napapasaya kanila samantalang ako ito inaasar ka, salubong na kilay lagi at pagaalala ang binibigay sa iyo. pasensiya na. basta ito tatandaan mo mahal na mahal kita..

No comments: