ako si paulo vitales abalos..gaano kasarap ang bawal!? simple lang ang sagot diyan... alam mo kung ano? sa totoo lang hindi ko din alam eh... bakit mo ba tinatanong... ha!! masiyadong kang nakikialam ah.. sapakin kita eh, walang pakialamanan.. boxing na lang tayo.. - Q("Q)

laong laing

laong laing
THE BEST WAY TO INDULGE YOURSELF IS TO EAT KANTON

Thursday, June 28, 2007

uuungghhhh..... ~sniff *


haayy.. ang sarap ng araw na to, walang ginagawa walang inaatupag kundi magpasarap. tapos na kasi ang exam, wala na akong rereviewing photocopied notes. magpapasarap lang ako ngayong araw na toh. as usual dota dota dota dota! agen and agen! walang katapusang dota! ahahaha!!


maiba tayo, tannung ko lang sa iyo.. naaalala mo pa ba ang unang selebrasyon ng iyong kaarawan? kung ako ang tatanungin mo. HINDI KO NA MAALALA eh, ang tagal na kasi at napakamusmos pa ng utak ko nun.


dati nung madalas kong tinitingnan yung mga photo album namin, nakikita ko yung mga larawan ng mga kuya ko kapag nagse-celebrate sila ng kaarawan nila. bonggang party lagi. yung parang sa mga palabas, yun tipong may cake, may ice cream, may balloons, at iba pang b-day party parapernaliya. sa totoo lang OO! naiinggit ako sa kanila, kasi simula nung una nilang b-day hanggang mag grade 1 laging may bonggang party. tapos ang dami dami nila laging regalo, tapos ang dami dami pa nilang bagong gamit, tapos sa school din nila nagpaparty rin sila. nung nasa prep pa lang sila, dinaadalan sila dun ng mga pagkain nila mama. yung tipong surprise party ba! tapos pinapasyal pa sila dati sa mga mall, ang dami pa nilang toy. haay.. inggitero? ako? uu! sobra! ahaha! hindi ko naman kasi naranasan yung mga ganyang party, ni isurprise nila ako sa school hindi ko naranasan yun. pag b-day ko wala akong regalo siguro yung naaalala ko lang eh yung regalo ni mama na t-shirt na dragonball, tsaka yung regalo ni ninang na bart simpson.yun lang ata naaalala kong nairegalo sa akin dati. sa telebisyon ko lang naman nakikita yung mga ganun, pero never kong naramdaman yung feeling ng magkaroon ng b-day party. sa tuwing b-day ako nagluluto si mama pansit at friedchicken. yun yung handa nila sa akin lagi. natutuwa naman ako kahit hindi nila ako binibigyan ng mga bonggang b-day party, kasi atleast sine-celebrate pa rin namin yung b-day ko. kahit hindi katulad ng sa mga kuya ko. pero naiinggit pa rin ako, alam naman nating lahat na gustong gusto ng bata na magkaroon siya ng isang bonggang b-day party kahit minsan sa buhay niya dibah?


nung isang araw, naisipan kong maglinis ng bahay, mag halughog sa mga sulok sulok. ewan ko ba kung bakit ko na isipang mag linis. nang magawi ako dun sa mga photo album namin, nakita ko nanaman ang mga larawan nila kuya nung nag b-birthday sila, siyempre nainggit nanaman ako. haayy... tapos may mga nakita akong mga album na luma pero ngayon ko lang nakita. nacurious ako at tiningnan ang mga larawan. ewan ko ba, parang kinurot yung puso ko, hindi ko maexplain yung naramdaman ko, hindi ko alam kung bakit biglang tumulo yung luha ko. nakita ko kasi yung mga larawan ng UNA KONG IPINAGDIWANG ANG AKING KAARAWAN. may CAKE at may nakalagay na, happy birthday paulo! from daddy & mommy.




"sana bata na lang ulit ako, sana hindi na lang ako tumanda, gusto ko kasi ulit maramdaman yung paglalambing pagmamahal at pagaaruga ng magulang."

No comments: