ako si paulo vitales abalos..gaano kasarap ang bawal!? simple lang ang sagot diyan... alam mo kung ano? sa totoo lang hindi ko din alam eh... bakit mo ba tinatanong... ha!! masiyadong kang nakikialam ah.. sapakin kita eh, walang pakialamanan.. boxing na lang tayo.. - Q("Q)

laong laing

laong laing
THE BEST WAY TO INDULGE YOURSELF IS TO EAT KANTON

Wednesday, August 22, 2007

confession # 1

hello po!!
kamusta ka?
ok ka lang ba?
may i-share ako sa iyo..
alam mo, ngayon ko lang napagtanto masiyado na pala akong trying hard sa pagsasalita ng ingles,alam ko namang wala din naman ako mapapala kung mag papraktis akong magsalita ng ingles wala pa rin pagbabago, mali-mali pa rin. kahit anung gawin kong pag pupursige sa pagpapraktis ng pagsasalita ng ingles eh talagang hindi talaga ako matuto-tuto. palibhasa tanga at bobo ako sa ganitong bagay, pati na rin sa pagsusulat, wala din ako katalent-talent. siguro ng magpasabog ang Diyos ng talento hindi ako nakasalo ng talento sa pagsusulat gayun na rin sa pagsasalita ng ingles. buti na lang at nabiyayaan akong gumuhit, pero anung mapapala ko sa pagguhit? wala naman... samantala sa pagsasalita at pagsusulat ng ingles madami kang mapapala, isa na diyan kapag nagrereport ka, kapag nakikipagusap ka, kapag nagrerecite ka, at iba pa na ginagamitan ng ingles. mahirap talaga ang ganito yung mukha kang inutil, pero alam ko naman na pinoy ako at dapat wikang Filipino ang ginagamit ko. kaso nasa panahon tayo na kailangan magingcompetetive ka para umasenso ka sa buhay mo. at ang pagsasalita ng ingles ang isa sa rekado para umasenso ka. kung tatanungin mo ako kung bakit ba ganito na lang ang paghahangad ko na matuto ng wikang ingles, eh marami akong dahilan. isa na diyan sa pagkuha ng trabaho. kailangan magaling ka sa ingles para kahit sino makakausap mo, kailangan kasi ng communication skills para may edge ka sa iba kapag nagaaply sa trabaho, at ingles ang pinakaimportante sa bagay na yan; isa pa, kapag may mga kasama ako na naguusap ng ingles, nakakapangliit kasi minsan hindi ko na alam yung mga pinagsasabi nila kasi hindi ko na maintindihan, yung tipong malalalim na terminong ingles na ang ginagamit nila. palibhasa bobo talaga ako, what do you expect pa ba? minsan pa, nagmumukha na talaga akong tanga na kahit alam ko tanga na talaga ako, nadidiin pa yung katangahan ko sa pagsasalita ng ingles kapag nakokorek ako, pero alam ko kailangan yun para matuto ka, kaso nakokorek ako sa madaming tao kaya parang napapahiya ako. ouch sa akin yun, as in. pero kinakain ko na lang kasi talagang hindi kasi ako marunong magsalita ng english kaya dinadaan ko na lang sa ngiti. kaya kahit gusto ko matuto eh natatakot na akong makorek, baka mapahiya lang ulit ako. ika nga ang "tanga ay tanga" . siguro may pag-asa pa akong gumaling sa pagsasalita ng ingles, KUNG may magtiyatiyagang magturo sa akin, simula sa pinaka basic ng pagsasalita ng ingles. pero feel ko wala magtiyatiyagang magturo sa akin. kahit nanay ko hindi ako matuturuan eh.. sino pa kaya? siguro kahit si tessa hindi din matiyatiyagang turuan ako eh.. simula UMPISA ba naman?! takte sino, sino, sino!!!! yan ang hirap ko kapag napapasama ako sa mga taong marunong magsalita ng wikang kinaaasaran ko, ang wikang ingles!! sana tulad na lang ako ng iba na magaling magsalita ng ingles kahit mabababaw na salita lang basta dirediretso, ayos na.

No comments: